Mental at Emotional Journey ni Baby: Ang Unang Limang Taon

UNICEF Guide to caring for baby's mental health

UNICEF Philippines
baby's mental health
UNICEF Philippines
07 July 2023

Napakahalaga ng unang limang taon ni baby, hindi lang sa physical growth niya, pati na rin sa kanyang emotional well-being. Mula sa unang mga salita hanggang sa unang hakbang, maraming feelings ang mararamdaman ni baby (at ikaw rin!). 

Sa atin nila unang natututunan ang feeling na minamahal at inaalagaan. Mahalagang maramdaman nila mula sa atin ang pagmamahal at kaligtasan para lumaki silang masayahin at matatag. 

Narito ang mga maaari nating gawin base sa age ni baby: 

Baby's mental health 1
UNICEF Philippines

For children 0–2 years old: 

  • Kargahin, yakapin, at mag-laro. Dito nagsisimula ang bonding niyong dalawa. 

  • Kantahan natin siya! Malaking parte ng ating childhood memories ang paghele sa atin ng ating mga magulang.  

  • Kausapin siya! Kahit na iba't ibang sounds pa lang ang ginagamit nila para makipag-usap, sagutin natin sila ng mga buong salita para madevelop ang kanilang communication skills. 

Baby's mental health 2
UNICEF Philippines

For children 2–3 years old: 

  • Mag-explore kayo! Sa stage na ito, curious na sila sa mga bagay sa kanilang paligid at na-eexcite sa iba't ibang kulay, hugis at tunog.  

  • Magbasa ng libro. Subukan nating maglaan ng oras araw-araw para basahan sila ng mga kwentong hindi lang nakakalawak ng isip—may iba’t ibang aral rin na matututunan. 

  • Maglaro kayo. Bukod sa nag-eenjoy sila sa paglalaro, nadedevelop din ang kanilang skills sa paghawak at pag-unawa ng mga bagay sa kanilang paligid. Maaari na rin silang turuan ng mga kaunting salita tulad ng “Mama,” “Papa,” “Ate,” “Kuya” 

Baby's mental health 3
UNICEF Philippines

For children 3–5 years old: 

  • Hayaang maging independent. Dito nila simulang naiintindihan ang mundo at ang iba’t ibang tao sa kanilang paligid. 

  • Hayaang makipaglaro. Nag-eenjoy sila dito at nabubuo ang kanilang social skills. 

  • Hayaan silang tumulong sa mga simpleng chores. Minsan natatakot tayong iinvolve sila sa chores kasi baka magkamali o masaktan.  Pero sa pagtulong sa mga simpleng bagay nadedevelop ang kanilang problem solving skills, nagiging responsible at na-eenjoy ang feeling na natutulungan tayo. 

  • Magsabi din ng “no.” Paminsan-minsan, kailangan ding humindi sa ilang bagay. Dito nila malalaman ang tama sa mali.  

  • Turuan mag-decide. Nagkakaroon na sila ng sariling preferences at unti-unting nakakapag-decide ng susuotin, kakainin, o paglalaruan. 

Ilang bagay na dapat tandaan 

Habang lumalaki sila, natututunan nila ang pag-express ng emotions. Minsan, stressful ito sa kanila, lalo na kapag hindi natin sila naiintindihan. Mas kailangan nila ng assurance na sila ay pinapakinggan at naiintindihan.  

baby's mental health 4
UNICEF Philippines

Huwag sana’ng… 

  • Sigawan, o saktan. Nakakadulot ito ng “toxic stress” at makakaapekto sa kanilang paglaki. 

  • Pakitaan ng madalas na away o tension sa bahay. Stressful para sa kanila ang tension sa kanilang paligid. Dito nagsisimula ang takot, pangamba at panghihina ng kalooban. 

  • Pabayaang nag-iisa.  Bilang mga bata, kailangan nila ang consistent na pagmamahal, alaga at atensyon para lumaking masigla. 

baby's mental health 5
UNICEF Philippines

Mahalaga ang self-care 

Magulang ka man ng baby, batang maliit, o teenager,  makakaramdam ka rin ng maraming emotions sa iba’t ibang pagkakataon --ito ay normal lamang.  Kaya kapag na-ooverwhelm, okay lang na huminto at magrecharge para ma-manage ang stress. 

Stressful din talaga maging isang magulang, pero alam natin na nagdadala rin ito ng lubos na kasiyahan. ‘Wag tayong mahihiyang na humingi ng support at na magbigay ng time para sa ating sarili para mabigay ang best natin sa ating mga anak.