Beat the heat ngayong may heatwaves!

Mga practical tips para sa mga magulang upang maiwasan ang panganib ng heat stress

UNICEF Philippines
Heatwaves in the Philippines
UNICEF Philippines/2022/Martin San Diego
06 May 2026

Ang matinding init ay may seryosong epekto sa kalusugan ng mga bata. Kahit simpleng gawain tulad ng paglalaro sa labas ay maaaring maging delikado kapag sobrang init ng panahon.

Heat waves are becoming more common due to climate change. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang tamang kaalaman – mula sa pagprotekta sa mga bata hanggang sa pag-identify sa mga sintomas ng heat stress at kung kailan at saan dapat humingi ng tulong.

Narito ang ilang praktikal na tips para mapanatiling ligtas at malusog ang iyong anak sa panahon ng matinding init:

1. Painumin ng tubig ang mga bata kahit hindi pa sila nauuhaw

Ang dehydration ay isa sa pinakamabilis na epekto ng init sa mga bata.

Children may not always recognize when they need water. Kaya mahalagang hikayatin silang uminom nang regular, kahit hindi pa sila nagsasabi na nauuhaw. Kung humihingi na sila ng tubig, maaaring dehydrated na sila.

2. Iwasan ang matinding init sa tanghaling tapat

Pinakamainit ang oras mula late morning hanggang hapon.

Avoid outdoor activities during peak heat hours. Sa halip, mag-stay sa loob ng bahay o sa lugar na may lilim at maayos na daloy ng hangin. Hangga’t maaari, limitahan rin ang matinding physical activity.

3. Panatilihing presko at maaliwalas ang kapaligiran

Ang sobrang init sa paligid ay maaaring magpalala ng heat stress.

Create cooler spaces for children to rest and play. Kahit simpleng ventilation ay makakatulong para hindi maipon ang init sa loob ng bahay. Buksan ang mga bintana sa bahay tuwing umaga at hapon.

4. Pumili ng preskong at komportableng damit

Ang tamang pananamit ay nakakatulong upang mapanatiling malamig ang katawan ng bata. Magsuot ng maluluwag at presko na mga damit. Gumamit rin ng mga protective accessories tulad ng sombrero at shades kung kailangang lumabas. 

5. Planuhin ang araw ayon sa panahon

Makatutulong ang pagiging handa upang maiwasan ang panganib ng init. Iwasan ang pag-iskedyul ng mga outdoor activities lalo tuwing tanghali. Siguraduhing na may dalang tubig kung kinakailangang lumabas. 

6. Alamin ang mga sintomas ng heat stress at kung kailan dapat humingi ng tulong

Ang heat stress ay nangyayari kapag sobrang naiinitan ang katawan at hindi na nito kayang magpalamig nang maayos. Maaari itong mangyari kapag exposed ang bata sa matinding init at humidity, lalo na kung napapagod o kulang sa tubig.

Kapag may naramdamang sintomas, ilipat agad ang bata sa malamig at malilim na lugar at siguraduhing maayos ang daloy ng hangin. Tulungan siyang bumaba ang temperatura ng katawan sa pamamagitan ng pagpupunas ng malamig na tubig o paglalagay ng cold compress, at painumin ng tubig o ipagpatuloy ang pagpapasuso sa sanggol. Pumunta agad sa pinakamalapit na health center para sa agarang medical attention kung lumalala ang mga sintomas.

Narito ang mga sintomas na dapat bantayan ng mga magulang at tagapag-alaga:

Mild

Severe

  • Dry lips, sticky mouth (panunuyo ng labi o bibig)
  • Excessive thirst (pagkauhaw)
  • Excessive sweating (sobrang pagpapawis)
  • Weakness, dizziness (panghihina/pangangalay, pagkahilo)
  • Nausea, vomiting  (Pagduduwal o pagsusuka)
  • Small blisters, rashes (pamamantal)
  • Mild, slightly high body temperature (pag-init ng katawan)
  • Cramps, usually in arms and legs (pamumulikat)
  • Nosebleeds (pagdugo ng ilong)  

For general population:

  • Very high body temperature for longer than two hours (40°C) (mataas na lagnat na higit pa sa dalawang oras)
  • Fainting (kawalan ng malay)
  • No urine in more than eight hours (di maka-ihi ng higit pa sa walong oras)
  • No sweating (but skin may be wet and hot) (hindi pinagpapawisan pero mainit ang balat)
  • Dark urine (ibang kulay ng ihi)
  • Rapid heartbeat and breathing (mabilis na pagtibok ng puso)

      For infants and young children:

  • Crying without tears (umiiyak na walang luha)
  • Sunken eyes and/or forehead
  • Vomiting or diarrhea (pagsusuka o pagtatae)
  • Extreme irritability (pagkabalisa)
  • Fewer wet diapers (madalang na pagpalit ng diaper dahil sa pagbawas ng pag-ihi)

      For adolescent:

  • Deep or severe muscle pain (especially after exercising outside, which is common for this age group) (Pamumulikat/pangangalay)

      For pregnant women:

  • Very high body temperature (mataas na temperature ng katawan)
  • Extreme nausea (malubhang pagkahilo)
  • Early contractions (maagang contractions)
  • Swelling of body parts (pamamaga ng ibang bahagi ng katawan)
  • Severe muscle cramping (malubhang pamumulikat)

Paalala sa mga magulang

Ang matinding init ay hindi lang simpleng discomfort. Maaari itong maging delikado para sa bata, lalo kung hindi agad maagapan.

Ang simpleng paghahanda at tamang kaalaman ay makakatulong sa pag-iwas sa heat stress at mapapanatiling ligtas ang inyong anak kahit sa pinakamainit na panahon.