5 Ways to Self-Care. Parents, deserve niyo ‘to!
Simple ways on how to make time for oneself
Ang pag-aalaga ng anak at pamilya ay isang full-time job din. Kaya kailangang-kailangan ng bawat magulang ng lakas, tibay, at malawak na pag-uunawa para magampanan ang lahat ng responsibilidad para sa pamilya.
Pero tandaan: Ang sarili!
Magkasing halaga ang pag-aalaga sa iyong sarili at ang pagmamahal sa iyong pamilya. Okay lang mag-time out sandali. Mahirap mang maglaan ng oras, huwag kalimutang magpahinga para mas maibigay mo ang best version mo para sa iyong anak.
Here are 5 simple ways:
1. Mag-schedule ng “Me Time”
Ang “me time” ay ang pag-laan ng kaunting oras para sa ating sarili. Yes, deserve mo yun! Isali ito sa iyong listahan ng mga “to do”—ang pagschedule ng ating mani-pedi, night out kasama ang mga kaibigan, o panonood ng paboritong pelikula ay maiikling sandali na pwedeng ilaan para sa ating sarili. Ito ay makakatulong ma-ibsan ang ating pagod at ang tinatawag na burnout.
2. Gumawa ng Hobby
Plantita o plantito ka ba? Maghalaman tayo! OK din mag basa-basa ng paborito mong nobela. Ang mga maliliit na bagay na ito ay hindi lang makakatulong maka reduce ng stress, makapagbibigay din ito ng karagdagang kaalaman sa atin.
3. May option rin to "Call a Friend"
Pagod na pagod ka na ba sa gawaing bahay, o kaya sa iyak ni baby? Huwag mahiyang tumawag kay nanay, tatay, o kay BFF para mapagaan ang mga gawain sa bahay. I-try mo ring sumali sa mga parenting group sa social media kung saan namamahagi ang mga mommy at daddy ng kanilang sariling learnings at experience.
4. Move! Move! Move! Mag-exercise
Masaya at nakakabuti rin ng mood ang jogging, biking o pagsayaw bilang exercise. Hindi lang ito nakakaalis ng stress, nakakadulot din ito ng ginhawa sa ating katawan, kalusugan, at mental health.
5. Sleep well. Matulog nang tama.
Hindi mauubos ang gawaing bahay kaya ang energy natin ay kailangang irecharge. Nakakatulong din ang pagkakaroon ng tamang tulog para makapag-isip tayo nang mabuti sa mga susunod na araw.
Ang paglaan ng oras para sa sarili ay hindi ibig sabihing lalayo tayo o iiwan natin si baby at ang ating pamilya. Ito ay mga saglit na oras para sa ating sarili na makakatulong sa atin sa pag-cope sa mga bagay-bagay. Sa ganitong paraan, maibibigay natin ang best natin sa ating mga anak at minamahal.