4 ways kung paano nakakatulong ang playtime sa mental health ni baby
Ang paglalaro ay mahalaga para sa mental at emotional well-being ng iyong anak
Ang awareness at pag-unawa ng mga bata sa kanilang paligid ay nagsisimula sa paglalaro. Hindi lamang enjoying ang paglalaro. Dito rin nadedevelop ang kanilang critical skills tulad ng motor, cognitive, social and emotional skills . Pero alam mo ba na bukod sa skills development at early learning, mahalaga din ang paglalaro sa mental health ng iyong anak? Hindi lang ‘yon—nakakatulong din ito sa mental health mo bilang magulang!
Ito ang mga dahilan kung bakit ang playtime ay mentally healthy for you and your child:
Ang mga bata na regular na nakikipaglaro sa kanilang mga magulang ay hindi basta-basta makakaranas ng depression, anxiety, aggression at sleep problems.
Ito ay masayang paraan para maging mas close kayo ni baby
Ang mga masasayang moments tulad ng paglalaro ay nakakatulong para maging mas close kayo ng iyong anak. At dahil ikaw ang unang playmate ni baby, ang playtime ay isang mahalagang opportunity para sa kanyang learning at relationship sa iyo. Bukod dito, nakikita mo ang mundo from your child’s perspective tuwing ikaw ay nakikipaglaro sa kanya.
Maaaring hindi mo ito namamalayan, ngunit ang pagpapakita ng love, comfort at attention habang kayo ay naglalaro ay nakakatulong sa pag-develop ng foundation para sa emotional and social skills ng iyong anak. Ang mga skill na ito ay essential para sa mental health at future well-being niya.
Maaaring hindi mo ito namamalayan, ngunit ang pagpapakita ng love, comfort at attention habang kayo ay naglalaro ay nakakatulong sa pag-develop ng foundation para sa emotional and social skills ng iyong anak
Ang playtime ay epektibong stress reliever
Ang masasayang activities gaya ng paglalaro ng games, pagkanta at pagsayaw ay nakatutulong sa pagbaba ng stress levels. Kapag ikaw ay nage-enjoy at tumatawa, ang iyong katawan ay nagri-release ng endorphins na siyang nagpapagaan ng pakiramdam. Kahit sa maigsing oras lamang, ang playtime ay isang powerful reminder para suportahan ang iyong anak at kalimutan muna ang trabaho at ibang commitments.
Ayon sa pag-aaral, ang paglalaan ng oras para sa paglalaro ay protection sa negative impacts ng prolonged exposure to stress. Kapag ang bata ay matagal na na-expose sa stressful situations, maaaring maapektuhan ang kanyang physical at mental health. Ang paglalaro at pagdevelop ng positive at supportive relationships with adults ay makakatulong para maiwasan ang negative effects na ito.
Nakakatulong ito sa proseso ng emosyon
Kapag ang mga bata ay nakakaranas ng complex emotional issues, madalas nila itong nae-express sa kanilang paglalaro. Halimbawa, kung may nakita silang dalawang adults na nag-aaway, maaari nila itong i-reenact gamit ang mga manika. Ito ang kanilang paraan para maintindihan ang impact ng sitwasyon. Tandaan na hindi madali sa mga bata ang mag-explain ng kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng salita. Bigyan sila ng space to play upang ma-process ang difficult emotions tulad ng pain, takot o fear of loss.
Kapag ang mga bata ay nakakaranas ng complex emotional issues, madalas nila itong nae-express sa kanilang paglalaro
Nakaka-build ito ng confidence
Sa tuwing nakaka-solve ang mga bata ng problems o puzzles habang naglalaro, nagkakaroon sila ng sense of accomplishment at nadedevelop ang kanilang competence. Kapag sinasamahan mo sila sa mga ganitong activity at binibigyan sila ng full attention, naipaparamdam mo sa iyong anak na siya ay valued, minamahal at masayang kasama.
Want more parenting tips? Looking for inspiration for games and activities? Bisitahin ang UNICEF Guide to Parenting!