Mga Maling Akala Tungkol sa Pag-aaral sa Child Development Center

Ilang paliwanag sa kahalagahan ng maagang pagkatuto ng mga bata

UNICEF Philippines
child
UNICEF Philippines/2023/BBeltran
30 November 2023
Maling Akala 1

Kritikal ang mga unang taon ng bata para sa kanilang brain development. Sa mga unang taon pinakamabilis nagdedevelop ito at hindi na mauulit sa kanilang buhay ang ganitong pagkakataon.  

Ayon sa mga pag-aaral, higit ang benepisyo ng mga batang pumapasok sa child development center nang mas mahabang panahon.  Ibig sabihin, mas nakakabuti sa bata ang pag-preschool nang dalawang taon kaysa isang taon lamang. 

Maling Akala B

Ang mga child development centers na gumagamit ng developmentally appropriate practices gaya ng laro ay tumutulong sa pinakamainam (optimal) na pagkatuto at pag-unlad ng bata.  

Sa paglalaro, maaari nilang gamitin at ibahagi ang mga kakayahang kanilang natututunan, tulad na lang ng kakayahan sa pakikitungo sa kapwa-bata, na maituturing na pagsasanay para sa tunay na buhay.   

Maliban sa paglalaro, marami ring activities sa child development centers para matuto silang makisama sa iba at maunawaan ang mga bagay sa kapaligiran. 

Maling Akala 3

Mas epektibo ang direktang pakikipag-usap, pakikisama at pakikiramdam para sa kanilang development. 

Ang “screen time” o oras ng mga bata sa panonood sa mga mobile phones, tablets, laptops, TV, internet games, etc. ay may kaugnayan sa mas mataas na panganib ng developmental delay sa edad na 2 taon sa communication, problem solving, at personal and social skills.  (Takahashi, et al., 2023) 

Maling Akala 4

Pantay ang papel ng child development workers at mga magulang sa pagkatuto ng bata. Ang pagkatuto sa bahay sa pamamagitan ng play-based learning, pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapatid, magulang, at tagapag-alaga ay kaakibat ng pagkatuto sa child development centers. 

Nakakatulong din ang pag-aaruga, atensyon, at oras na ibinibigay ng ama o lalaking tagapag-alaga sa pagkatuto at pag-unlad ng mga bata. Ang kanilang positibong interaksyon ay may mabuting epekto sa mental health at self-esteem ng mga bata paglaki nila. 

Mahalaga ang ligtas at mapagmahal na tahanan para sa pagkatuto ng bata. Dito maiiwasan ang toxic stress na nakakapinsala sa katawan, isipan at kalusugan ng bata. 

Makakatulong ang isang caring environment para maka-cope sa mga pagsubok sa buhay (e.g., mga sakuna, digmaan at iba pa) ang mga bata at kanilang mga pamilya.  Ang pag-aalagang ito ay maaaring makabuti sa brain functions habang buhay.