Situation Report: Severe Weather Disturbances
Click to close the emergency alert banner.

Healthier Lifestyle Para sa Anak? Kayang-kaya!

A guide for parents on encouraging their child to eat and live healthy

UNICEF Philippines
Healthier Lifestyle Para sa Anak? Kayang-kaya!
UNICEF Philippines
25 July 2023

Lifetime ang benefits ng tamang nutrisyon para sa ating mga anak at pamilya. Kung sa simula pa lamang ay masisigurong nakakakuha sila ng sapat na nutrisyon, nagkakaroon sila ng matibay na pundasyon para lumaking malusog at masigla.  Nakakatulong itong proteksyunan sila laban sa sakit at banta ng obesity. Ang pagturo sa kanila ng healthy diet sa murang edad ay nakakatulong rin sa kanila na magkaroon ng positive relationship sa masusustansyang pagkain hanggang kanilang pagtanda.

Narito ang ilang tips para masiguradong magiging parte ng kanilang normal routine ang masustansyang pagkain simula bata pa lamang:

Para kay baby

Para sa toddlers

Para sa buong pamilya

Mother and child breastfeeding
UNICEF Philippines
Blocks

Tandaan:

Mahalagang ipagpatuloy ang breastmilk hanggang dalawang taon o higit pa habang inuumpisahan ang mga solid food.

Para kay baby:

Napakahalaga ng tamang nutrisyon sa first 1,000 days ni baby dahil dito natin umpisang hinuhubog ang kanilang mental at physical health. Nagsisimula ito sa unang araw ng pagbubuntis ng ina hanggang sa ikalawang kaarawan ni baby.

  • Siguraduhing healthy si mommy. Gawing regular ang health check-ups, pag-inom ng vitamins at pagkain ng masusustansyang pagkain
  • Breastmilk lamang ang kailangan ni baby sa first 6 months niya at sapat na ang sustansya nito. Huwag painumin si baby ng formula milk, tubig o gamot na hindi nirekomenda ng doktor
  • Pagdating ng 6 months, pwede nang simulan pakainin si baby ng soft solid food na madaling nguyain at i-digest, habang patuloy ang pagpapasuso hanggang ika-2 taong gulang ng bata o higit pa
  • Kapag 1-year old na si baby, maaari na siyang kumain ng madadaling i-digest na solid food tulad ng kinakain ng pamilya. Huwag siya sanaying kumain ng biskwit at chichirya na walang sustansya.
Toddler eating
UNICEF Philippines
Blocks

Maging good example sa pagkain ng masustansyang pagkain para tularan niya ito.

Para sa toddlers:

Normal lamang na sa simula ay may ayaw siyang mga pagkain, pero try and try again hanggang magustuhan niya ito.

  • Gawing fun at attractive ang ihahain na masustansyang pagkain
  • Hayaan siyang mag-explore ng lasa, kulay at texture ng iba’t ibang healthy na pagkain gaya ng prutas, gulay, at iba pa. Dito niya malalaman na may iba’t-iba siyang pwedeng pagpilian.
  • Unti-unting ipatikim sa kanya ang ibang pagkain at balik-balikan ang mga di niya nagustuhan nung una. Maaaring ihalo ang maliit na bahagi ng masustansyang pagkain na hindi niya gusto sa mga enjoy siyang kainin.
  • Huwag puwersahin kumain o mag-offer ng junk food para lang makakain. Pabayaan siyang intindihin ang katawan at malaman kung kailan siya gutom.
  • Gawing maliit ang portions ng pagkain ng iyong toddler. Ang kanyang tiyan ay kasing laki lamang ng kamao. Ganun din kalaki ang recommended portion ng kanin. Ang karne ay dapat kasing laki lang ng kaniyang palad.
  • Huwag gamiting reward ang pagkain ng junk food tulad ng sweets, soft drinks at chichirya. Magdudulot ito ng unhealthy eating habits sa pagtanda.
  • Isali siya sa pamimili at paghanda ng pagkain. Pag-usapan ang pangalan, lasa at amoy ng mga gulay at prutas at ang sustansya na nakukuha sa iba’t ibang food groups.
Family
UNICEF Philippines

Para sa buong pamilya:

Mas makaka-enganyo sa ating mga anak na kumain nang tama at masustansya kung nakikita niya ito sa bawat myembro ng ating pamilya.

  • Umpisahan ang araw ng masustansyang almusal tulad ng fresh fruits kaysa sa matamis na cereals. Sa meryenda, maghanda ng healthy snacks tulad ng nilagang kamote o mais
  • Huwag piliting ubusin ang pagkaing nasa plato. Ngunit ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkuha ng pagkain na ayon lamang sa makakayang ubusin para walang masasayang
  • Iwasan ang processed food tulad ng mga delata at instant noodles na mataas ang salt, sugar o fat content. Hindi kailangang ipagbawal ang ilang pagkaing na-eenjoy nila. I-limit lang ang sukat at dalas ng pagkain nito
  • Pumili ng mga prutas in season at green leafy vegetables na mas masustansya. Bumili sa fresh food market kaysa sa sari-sari stores para sa mas mura at masustansyang pagkain
  • Magplano ng masayang physical activities para sa pamilya gaya ng paglalakad o pagsasayaw. Kailangan ng bata ng hindi bababa sa 60 minutes na physical activity kada araw.

Ang tamang nutrisyon at masayang physical activities ay makakatulong sa paglaki ng mga bata na malusog at protektado sa mga sakit. Kung sisimulan nang maaga, mas makakasanayan nilang pumili ng masustansyang pagkain hanggang sa kanilang pagtanda.