Breastfeeding Your Baby in the First 1,000 Days
Guide to feeding your baby the right way for a healthy start to life
Breastfeeding gives children the best start in life — walang duda!
Ang gatas ng isang ina ang best source ng nutriyson at sustansya na kailangan ng isang sanggol mula pagkapanganak hanggang siya ay mag-two years old, upang maging malakas at maligaya.
Learn more kung paano ang wastong pagkain at pagpasuso kay baby:
First 6 months
Breastmilk lamang ang kailangan ni baby sa unang anim na buwan niya.
Sapat ang sustansya ng gatas ng ina. Huwag painumin si baby ng tubig, formula milk o mga gamot na hindi nirekomenda ng doktor.
Mahalaga ang agarang pagsimula ng pagpapasuso pagkapanganak.



6-12 months
'Pag dating ng ika-anim na buwan, maaari nang pakainin si baby ng soft foods na madaling nguyain at i-digest.
Ipagpatuloy ang pagpapasuso hanggang 2-years old na siya o higit pa.



1-2 years old
Kapag 1-year old na si baby, maaari na siyang kumain ng madadaling i-digest na solid foods na katulad ng mga kinakain ng pamilya.
Ipagpatuloy ang pagpapasuso hanggang 2-years old na siya o higit pa.


