Pag-aalaga sa mga bata sa panahon ng COVID-19
Mga tips at payo para sa mga magulang, guro at tagapangalaga
Sa panahon ng kalamidad tulad ng COVID-19, normal lamang sa mga bata na makaranas sila ng matinding stress, takot, pagkainip at pangamba. Maaaring manibago sila dahil hindi maaaring lumabas ng bahay dahil sa community quarantine.

Suportahan sila sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga hinaing at ipaunawa sa kanila na magiging maayos din ang lahat. Mas nakakatugon sa stress ang mga batang may kasamang nakatatanda na nakakaunawa, kalmado at positibo ang pagtingin sa sitwasyon.

Kung may mga nais itanong sa mga health professional, maaaring tumawag sa mga sumusunod na hotlines ng National Center for Mental Health:
0917-899-8727 at 02-8989-8287
