Let’s Falalalallow the COVID-19 Safety Protocols!
Tuloy ang Pasko at Bagong Taon, basta’t tiyaking ligtas ang bawat isa.
Iba man ang simoy ng hangin ngayong Pasko dahil sa pandemya, hindi ibig sabihin nito ay cancelled na ang celebrations kasama ang pamilya at mga kaibigan. Mahalaga sa bawat pamilya, lalo na sa bawat bata, na panatilihing buhay ang diwa ng Pasko sa kabila ng lahat ng naranasan natin dahil sa pandemya. Ngunit mahalaga rin na protektahan natin ang ating mga sarili at mahal sa buhay sa COVID-19.
Mas ligtas at protektado ang lahat kapag ang bawat isa sa atin ay ligtas at protektado rin. Nine months na ang nakalipas nang magsimula ang community quarantines sa Pilipinas. Maaaring nakakadama ka na ng pagod at pag-aalinlangan sa pagsunod sa mga COVID-19 safety & preventive measures, ngunit laging tandaan na ang pagkalimot o paglabag sa mga protocols ay pagbubuwis hindi lamang ng iyong kalusugan at buhay, kundi ng kalusugan at buhay rin ng ibang tao, lalo na ang mga nakakahalubilo mo.
Ang patuloy na kaligtasan at pag-aalala sa isa’t isa ang pinakamagandang regalo ngayong Pasko.
Hindi man tulad ng dati ang ating Pasko ngayon, maaari pa rin tayo magdiwang at magsaya, basta’t tiyakin na alam mo kung paano mapapanatiling ligtas ang iyong pamilya at mga kaibigan:
Minimizing risks sa mga salo-salo
Alagaan ang iyong mental health
Magpabakuna para sa COVID-19
The COVID-19 vaccine is safe and effective in protecting everyone from getting severe COVID-19 infection which may lead to hospitalization or death.
Register for the COVID-19 vaccine today, show up during your vaccination schedule, and complete your vaccination doses as soon as it becomes available to you.
Alamin kung paano mag-register para sa bakuna laban sa COVID-19.
Minimizing Risks sa mga Salo-Salo
Hindi advisable na mag-host at mag-attend ng mga salo-salo ngayong taon. Mas maigi kung kayo-kayo nalang muna na magkakasama sa bahay ang magsalo at magdiwang, at tawagan nalang muna ang mga kamag-anak at mga kaibigan gamit ang mga video calls, chat, o telepono.
Pero kung hindi maiiwasan na magsalo, paghandaan ito ng maigi para sa kaligtasan ng bawat isa. Tiyakin ang mga sumusunod:
Kung hindi maiiwasan ang pagsasalo, mag ‘Mask Gathering’ para mas ligtas ang kasiyahan.
Ang bawat chikahan, tawanan, kainan, kulitan at kantahan ay maaaring maging sanhi ng hawaan ng virus.
Kaya kapag dadalo sa mga salo-salo, huwag na huwag mag-dalawang isip sa pag-iingat:
- Limitahan ang bilang ng mga bisita depende sa laki o liit ng venue.
- Manatiling magsuot ng mask at face shield. Tanggalin lamang ito kapag kakain o iinom.
- Palaging dumistansya ng isang metro sa mga tao.
- Parating maghugas ng kamay gamit ang sabon.
- Iwasan ang pag-share ng mga baso, kubyertos, plato at microphones.
Kapag outdoors, safer.
Ang COVID-19 virus ay maaaring manatili sa hangin, lalo na sa mga lugar na hindi dumadaloy o umiikot ang hangin.
Ngayong taon, kung magsasalo-salo, mahalaga na gawing saglit lamang ang pagtitipon, at gawing outdoors o presko, para mas mabawasan ang posibilidad na ma-infect ka ng virus:
- Ilabas sa garden o sa garahe ang pagtitipon at pakiusapan ang mga bisita na manatili sa labas hangga’t maaari.
- Kung walang outdoor venue, piliin ang pinaka-maiging lugar kung saan maluwag, presko at maraming bintana. Maglagay ng mga electric fan sa paligid para mas maikot ang hangin.
- Huwag gumamit ng aircon. Ang aircon ay nagrere-circulate ng hangin.
- Gawing saglit lang din ang pagtitipon para mabawasan ang exposure time sa mga taong hindi mo nakakasama sa bahay.
Basic Do’s and Don’ts
Ang pag-iingat ng bawat isa ay makakatulong sa pagpigil sa COVID-19 sa bansa.
Kumilos ng parang ikaw ang may sakit. Palaging hugasan ang kamay at dumistansya sa iba para hindi ka makahawa. Habang tumataas pa rin ang bilang ng mga positibong kaso, dapat mas maingat tayo ngayong Pasko.
Ugaliing maghugas ng kamay
Ang mga kamay ay kadalasang nakakatransmit ng COVID-19. Ugaliin ang madalas at tamang paghugas ng iyong kamay para maiwasan ang pagkalat ng virus. Ito ang tamang paghugas ng kamay:
- Step 1: Basain ang kamay
- Step 2: Ipahid ang sabon nang maigi
- Step 3: Kuskusin ang bawat bahagi ng mga kamay nang hindi bababa sa 20 seconds. Huwag kalimutan ang likod ng kamay, gilid ng bawat daliri at mga kuko
- Step 4: Banlawan ang kamay sa running water
- Step 5: Patuyuin ang malinis na kamay gamit ang malinis na twalya o tissue paper, o ipagpag ang kamay sa hangin.
Panatiliin ang One-Meter Physical Distancing
Ang one-meter distancing ay mahalaga para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Hindi sapat na nakasuot ka lamang ng mask at shield, dahil umiikot sa hangin at nananatili sa mga bagay at gamit ang mga droplets at particles ng virus.
Tiyakin ang tamang distansya mo sa ibang tao tuwing:
- Dumadalo o nag-hohost ng salo-salo
- Pumipila sa mga terminals o waiting sheds
- Nagbabiyahe sa tren, bus, jeep, FX, shuttles, etc.
- Namimili sa mga pampublikong pamilihan
- Namamasyal sa mga malls
- Kumakain sa labas ng bahay
- At iba pang mga activities kung saan na-eexpose ka sa mga taong hindi mo nakakasama sa bahay
Self-check & Self-awareness
Ngayong panahon ng pandemya, huwag lamang isipin ang sarili. Isipin din natin ang kapakanan ng nakararami.
Alam mo ba ang lahat ng mga COVID-19 symptoms? Nakakaramdam ka ba ng kahit isa sa mga ito? Maipapaliban mo ba ang mga plano mong makipagkita ngayong Pasko para hindi mapahamak ang iyong mga pamilya, kaibigan at ibang tao na maaari mong makakasalamuha?
Palaging pakiramdaman ang sarili
Huwag magpadala sa maling akala. May mga COVID-19 symptoms na kadalasang napagkakamalan na simpleng flu lamang. Kung nakakaramdam ka ng isa sa mga ito, magself-isolate agad, at huwag magdalawang isip kumonsulta sa doctor:
- Pagkawala ng pang-amoy
- Pagkawala ng panlasa
- Hirap sa paghinga
- Diarrhea
- Dry na ubo
- Pagsakit ng lalamunan
- Lagnat
- Pagsakit ng katawan
- Pagkapagod
Kung ikaw ay bata, senior citizen, o may underlying health condition, mas pinaka-vulnerable sa virus. Stay home na lang muna at iwasang lumabas ng bahay para hindi ma-expose sa mga taong hindi mo nakakasama sa bahay na maaaring nagdadala ng virus.
Kung hindi siguradong virus-free, say ‘No’ muna sa mga get-togethers
Maaaring makaramdam ng COVID-19 symptoms sa loob ng 14 days matapos ma-expose ang isang tao. Bata man o matanda, maaari kang mahawa at makahawa sa loob ng period na ito. Kung na-expose ka sa isang tao na may COVID-19, o kaya’t nakakaramdam ka ng kahit isa sa mga symptoms, huwag mo nang ipahamak pa ang iyong pamilya at mga kaibigan:
- Unawaing maigi ang COVID-19 Incubation Period
- Kung hindi maiiwasang dumalo sa salo-salo o lumabas, maging extra-safe sa iyong mga galaw at least 14 days bago ng get-together para hindi mo sila mapahamak.
- Umiwas munang lumabas para mag-shopping sa mga malls para hindi ma-expose sa virus.
- Kapag nakaramdam ng kahit anong COVID-19 symptom bago ng salo-salo, huwag nang pilitin dumalo. Piliin ang kaligtasan ng iyong sarili at mga mahal sa buhay kesa sa pansariling kaligayahan. Manatili nalang muna sa bahay para magpahinga, o kumonsulta agad sa doctor. Kung kaya ng katawan at kalagayan mo, sumali sa salo-salo sa virtual na paraan gamit ang video calls.
Alagaan ang Mental Health
Ngayong taon, bawat isa sa atin, bata man o matanda, ay nakararanas ng biglaang pagbabago sa buhay na maaaring nakakaapekto sa ating mental health. Mas nakakapanibago ito ngayong Pasko, dahil may mga tradisyon at mga bagay na dapat ipagliban muna para panatilihing ligtas mula sa pandemya ang bawat isa.
Ngayong Pasko, mas kinakailangan nating lahat na makaramdam ng pagmamahal mula sa ating mga sarili at mga mahal sa buhay.
Alagaan ang sarili
Bigyan ng oras ang sarili. Marami kang hinarap na pagsubok ngayong taon. Hindi pa huli para yakapin at alagaan ang iyong sarili:
- Unawain ang mga emosyon na nararamdaman
- Kumain ng mabuti
- Mag-exercise para gumaan ang pakiramdam
- Mag-meditate para ipahinga ang isipan
- Kung nakakaramdam ng depression o anxiety, lumapit sa pamilya at kaibigan
- Huwag magdalawang-isip humingi ng tulong:
-
Tumawag sa Philippine Red Cross Psychological First Aid Hotlines 143 o 1158
-
Mag-text sa VSO Philippines para tawagan ka: Send PSS to 2256600
-
Mag-send ng message sa Facebook page ng Positive Youth Development Network o United Registered Social Workers para matulungan ka nila.
-
Kumustahin ang mga kaibigan
Madaling ma-lonely ngayong panahon ng pandemya. Mahirap manatiling masaya o maging ganado sa buhay sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon. Kung kaya’t ang simpleng ‘kumusta’ ay maaaring malaking bagay na sa iba.
Hindi man personal na maipadarama ang pagmamalasakit sa mga kaibigan, may ibang paraan para ipaalam na may nag-aalala at nagmamahal sa kanila:
- Magpadala ng mga personal greetings o messages
- Mangamusta at mag-catch up sa chat o sa calls
- Magpadala ng mga regalo gamit ang mga online deliveries
Have a safe Christmas!