Emergency preparedness tips: volcanic eruptions

Ano ang gagawin before, during and after a volcanic eruption?

Kung nakatira ka malapit sa bulkan, laging maging updated sa alert level nito at warnings ng inyong barangay at LGU. Alamin kung kailangang mag-evacuate ng pamilya. 

Maging alerto at handa bago pa man pumutok ang bulkan. 
 

  • Maging updated sa alert level ng bulkan at official warnings ng barangay o LGU. 
     
  • Tiyakin na kumpleto ang laman ng emergency go-bag
     
  • Maghanda ng goggles at makapal na face mask para sa buong pamilya. 
     
  • Mag-evacuate kung ang bahay ay nasa loob ng danger zones. 


Ano ang gagawin kapag pumutok na ang bulkan? 
 

  • Stay calm. Stay indoors. Isara ang mga pinto at bintana. 
     
  • Kung may abo, magsuot ng goggles. Takpan ang ilong at bibig gamit ang makapal na face mask o basang tela. 
     
  • Turuan ang mga bata kung paano mag-ingat. 
     
  • Huwang hayaang ma-contaminate ng abo ang mga pagkain.
     
  • Kung nasa biyahe, itabi muna ang sasakyan kapag malakas ang pagbaksak ng abo. 
     
  • Subaybayan ang mga official updates at advisory ng barangay o LGU. 


Kapag tapos na ang pagputok ng bulkan, tiyakin na ligtas pa rin ang lahat. 
 

  • Magsuot pa rin ng goggles at face mask, o basang tela, bago maglinis ng paligid. 
     
  • Turuan ang mga bata kung paano tumulong sa paglilinis at mag-ingat sa paligid. 
     
  • Tanggalin agad ang abo sa bubong para hindi ito mag-collapse at kalawangin. 
     
  • Walisin o i-vacuum ang abo na nakapasok sa loob ng bahay. 
     
  • Kolektahin ang abo sa isang lugar na malayo sa mga water drainage para hindi ito magbara. 
     
  • Hugasan nang maigi ang mga gulay, prutas at iba pang pagkain bago ito ihanda o kainin.