Article
Emergency preparedness tips: typhoons
What to do before, during and after a typhoon
Maging handa at alerto bago pa man dumating ang bagyo sa inyong lugar.
- Suriin ang bahay kung may sira ang kisame, pinto o bintana, at ipaayos ito agad.
- Itali ang mga bubong at iba pang maaaring liparin ng hangin.
- Putulin ang mga sanga ng puno na maaaring bumagsak.
- Tiyakin na kumpleto ang iyong emergency go-bag at fully charged ang iyong phone at powerbank.
- Maging up-to-date sa typhoon signal warnings. Lumikas agad sa evacuation center o ligtas na lugar kapag may babala na mula sa PAGASA, LGU o barangay.
- Kung madalas magbaha sa lugar, itaas ang mga gamit na maaaring maabutan ng tubig-baha.
- Ipaliwanag sa mga bata kung paano mag-ingat at maghanda para hindi sila matakot sa bagyo.
Kapag nag-landfall na ang bagyo, tiyakin na laging updated ang pamilya sa mga alert at warning ng LGU at barangay.
- Stay calm. Stay indoors.
- Maging up-to-date sa balita tungkol sa bagyo.
- Ihanda ang emergency go-bag.
- Ipaliwanag sa pamilya kung ano ang maaring gawin kung kumala ang sitwasyon.
- Kung kailangan mag-evacuate, patayin ang kuryente, isara ang tangke ng gas, at i-lock ang mga pinto.
- Iparamdam at ipaliwanag sa mga bata na walang dapat ikatakot dahil handa ng pamilya.
Kapag humina na ang hagupit ng bagyo, tiyaking safe pa rin ang pamilya.
- Makinig sa balita at tiyaking ligtas na sa labas.
- Kung nag-evacuate, tiyakin muna na ligtas ang inyong lugar bago bumalik sa bahay.
- Kumustahin ang mga bata at pakinggan ang kanilang mga iniisip at nararamdaman pagkalipas ng bagyo.
- Suriin o ipasuri ang mga linya ng kuryente kung ligtas na ito gamitin ulit.