Article
Emergency preparedness tips for families and children
Ready ba ang pamilya at ang mga bata in case of emergency?
May emergency plan ba ang inyong pamilya? Ito ang mga dapat gawin sa paghahanda ng family emergency plan:
- Alamin ang mga ligtas na daan mula sa bahay papunta sa pinakamalapit na evacuation site.
- Ilista ang mga emergency hotlines at contact details ng kamag-anak o kaibigan na maaaring tawagan in case of emergency. Bigyan ng kopya ng listahan ang buong pamilya.
- Ipaliwanag sa mga anak ang mga maaaring mangyari sa inyong lugar.
- Bigyan ng responsibilidad ang bawat miyembro ng pamilya. Magkasundo kung tuwing kailan irereview ang emergency plan.
- Sanayin at kabisaduhin bilang pamilya ang mga dapat gawin kapag may sunog, bagyo, baha, lindol, pagputok ng bulkan, landslide, tsunami, storm surge, at iba pang emergency.
- Magkasundo sa isang meeting place kung magkahiwa-hiwalay man ang pamilya sa oras ng emergency.
Ang bawat miyembro ng pamilya, kahit ang mga bata, ay kayang maghanda para sa emergencies. Maaaring turuan ang mga bata kung paano maging handa sa emergency, ayon sa kanyang edad.
3 years old
Turuan silang gumamit ng pito, tumawag ng tulong, at i-recite ang address ng bahay at pangalan ng mga magulang nila.
5 years old
Turuan silang mag-pack ng emergency go bag.
7 years old
Turuan silang mag-Drop, Cover and Hold kapag lumilindol.
15 to 17 years old
Bigyan sila ng listahan ng emergency hotlines para i-save sa kanilang phone. Turuan silang mag-monitor ng emergency updates gamit ang social media.
18 years old
Turuan silang tumulong sa pagpapatibay at paghahanda ng bahay para sa anumang emergency.