Article
Emergency preparedness tips: earthquakes
Ano ang gagawin before, during and after an earthquake?
Ligtas ba ang pamilya kapag may malakas na lindol? Walang paraan para ma-predict ang paglindol, kaya kailangang siguraduhin na ang bahay ay matatag at ligtas para sa pamilya.
- Suriin: Malapit ba kayo sa fault line? O maaari bang mag-landslide o mahagip ng tsunami ang inyong lugar?
- Tiyakin na matibay ang pagkakagawa ng mga pader at poste ng bahay.
- Ikabit sa pader ang mga mabibigat na furniture at gamit na maaaring bumagsak kapag lumilindol.
- Alamin ang mga ligtas at hindi ligtas na lugar sa inyong bahay.
- Ituro sa mga bata kung paano mag-Drop, Cover and Hold sa oras ng lindol.
Drop, Cover and Hold: ano ang mga dapat gawin kapag lumilindol?
- Stay calm.
- Pumunta agad sa pinakaligtas na lugar o spot sa bahay.
- Ipakita sa mga bata ang dapat gawin para hindi sila matakot.
- Huwag lumabas ng bahay habang lumilindol. Mag-Drop, Cover and Hold sa pinakaligtas na spot ng bahay hanggang tumigil ang pagyanig.
- Lumayo sa mga salamin, bintana at mga bahay na maaaring bumagsak.
- Kung nasa labas ng bahay, manatili sa lugar na kinalalagyan. Protektahan ang sarili mula sa mga debris o bagay na maaaring bumagsak sa paligid ninyo.
Pagkatapos ng lindol, stay calm at i-plano nang maigi ang ligtas na pag-evacuate ng pamilya.
- Kapag ligtas nang lumabas, kunin ang emergency go-bag at mag-evacuate sa pinakamalapit na open area o evacuation area. Kung nasa loob ng building, iwasan ang paggamit ng elevator.
- Umiwas sa mga tulay at matataas na gusali at structures na maaaring gumuho.
- Maging alerto sa aftershocks, posibleng landslide at sunog.
- Kung nakatira malapit sa dagat, makinig sa mga official tsunami warning o advisory ng barangay o LGU.
- Kumustahin ang mga bata at pakinggan ang kanilang iniisip at nararamdaman pagkatapos ng lindol.