Breastfed is best: Tips to help moms in the new normal

Kaya lutasin ang mga suliranin sa breastfeeding gamit ang mga subok na paraan.

Elga Reyes
2004, a baby being breastfed in a health centre in the village of Amas, North Cotabato province, Mindanao region, Southern Philippines. UNICEF supports exclusive breastfeeding.
UNICEF/UNI82119/Yacat
12 August 2022

Iba ang saya ng pagiging isang ina. Subalit, ito ay may dala ring pangangamba lalo na sa usapin ng breastfeeding, at ngayong asa pandemya.

Kaya naman para sa mga bagong ina at kahit na sa mga nanay na muling magpapa-breastfeed, huwag mag-alinlangan. Breastfeeding serves as your baby’s first vaccine. It gives children the best start in life—walang duda. Ang gatas ng isang ina ang best source ng nutriyson na kailangan ng isang sanggol mula pagkapanganak hanggang siya ay mag-two years old, upang maging malakas at maligaya. Kahit ang mga nanay marami ring benepisyong nakukuha sa breastfeeding, from convenience to strong bonds and good health.

Here are tips for mommies to overcome seven common breastfeeding challenges, nang sa gayon maging panatag ang inyong loob:

1. Paano kapag kakaunti lang ang gatas na lumalabas?

Para sa mga bagong nanay, importante na ang breastfeeding ay magsimula sa unang oras pagkatapos manganak. Ang agarang skin-to-skin contact kasi ay nakakapagdoble ng tyansa ng breastfeeding success. Isa pa, hindi kinakailangan na marami agad ang gatas sapagkat ang tiyan ng bagong silang ay kasing laki lang ng isang calamansi. Ang kanyang tiyan ay unti-unting lalaki sabay ng pagdami ng iyong gatas, kadalasan four days after ng panganganak.

Nakakatulong din na panatilihing eksklusibo ang breastfeeding sa loob ng anim na buwan. Ang ibang pagkain at inumin tulad ng formula milk ay pwedeng maging dahilan ng paghina ng pagbreastfeed ni baby at paghina rin ng paglabas ng gatas. Tandaan, mahalaga ang tamang paghakab at dalas ng breastfeeding sa pagpapalakas ng paggawa ng gatas.

Importante na ang breastfeeding ay magsimula sa unang oras pagkatapos manganak.

2. Mahirap ba o masakit ang paghakab? 

Subukan ang iba’t-ibang posisyon para maging maginhawa ang latching. Natural lang na may kaunting discomfort sa paghakab ni baby after a few days from birth, pero sa pangmatagalan dapat wala itong sakit. Para maayos maglatch si baby, siguraduhing malawak ang bukas ng kanyang bibig, ang ibabang labi ay naka-palabas, at nakadikit ang kanyang baba sa iyong suso. Kapag nakuha ang maayos na paglapat, madali nang makukuha ni baby ang gatas, at pareho na kayong giginhawa.

Natural lang na may kaunting discomfort sa paghakab ni baby after a few days from birth, pero sa pangmatagalan dapat wala itong sakit.

A mother breastfeeding her child
UNICEF Philippines/2022/Blanche Bacareza

3. Hindi ba nakakatakot mag-breastfeed ngayong may pandemya?

Breastmilk serves as your baby’s ’first vaccine’, kaya mahalaga na makainom siya sa unang oras ng pagkasilang. Ang gatas ng isang ina ay nagbibigay ng nutrients at antibodies na akma para sa kanyang sanggol upang ito ay may lakas at laban sa mga impeksyon. Kaya huwag itigil ang breastfeeding ngayong may pandemya. Laging tandaan na walang makakapantay sa gatas ng isang ina.

Sa kasalukuyan, walang katotohanan na maaaring ma-transmit ang COVID-19 sa pag-breastfeed. Siguruhin lamang na palagi kang nag-oobserve ng proper hygiene at naghuhugas ng kamay ng mabuti.

Kung ikaw ay sakaling may COVID-19, pwede pa ring magpasuso. Magsuot lang ng mask parati at maghugas ng kamay na may sabon o gumamit ng alcohol bago at pagkatapos hawakan si baby o kapag hinahawakan at linilinisan ang kanyang mga gamit at paligid. Hindi kailangang hugasan ang iyong dibdib bago mag-breastfeed, unless naubo ka rito.

Laging tandaan na walang makakapantay sa gatas ng isang ina.

UNICEF Philippines/2022

4. Pwede ba mag-breastfeed kahit magtratrabaho na uli?

Of course! Napakabuti nito at kailangan lang ng ilang pagbabago sa trabaho. Bago bumalik, pwedeng kausapin ang iyong supervisor o nararapat na HR officer ukol sa oras na kailangan at lugar para makapag-express ng gatas. Ayon sa Republic Act 10028, ang mga nagtratrabahong ina ay may minimum of 40 minutes para kumolekta ng gatas during work hours, at dapat bayad na oras ito. Nakasaad din sa batas na lahat ng pinagtatrabahuan ay kailangan maglaan ng lactation rooms para sa mga manggagawang ina.

Kung sakaling hindi kakayanin sa trabaho, subukan humanap ng panahon pagkagising or after work para makaimbak ng gatas. Nakakatulong din na may suporta ng iyong pamilya o kamag-anak para sa mga gawaing bahay upang ikaw ay maka-focus sa pagkuha ng gatas.

Ang trabaho ay hindi hadlang para mabigyan ng tamang nutrisyon si baby. Mahalaga na tuloy-tuloy lang ang breastfeeding.

Bago bumalik, pwedeng kausapin ang iyong supervisor o nararapat na HR officer ukol sa oras na kailangan at lugar para makapag-express ng gatas.

UNICEF Philippines/2022

5. Hindi ba nakakahiya magbreastfeed in public?

Ang pag-breastfeed ay hindi isang kahihiyan o kabastusan; ito ay isang natural na bahagi ng pagiging ina at isang natural na pagkain ng isang sanggol. Kapag nasa labas, huwag paabutin na umiiyak ng todo si baby bago i-breastfeed, dahil makakasama ito sa paghubog ng kanyang pangangatawan. Hihina ang resistensya ni baby at maaaring pagsimulan ito ng undernutrition o ang kakulangan ng tamang nutrisyon na maaaring pagmulan ng stunting, kung saan ang bata ay magiging maliit at mahina para sa kanyang edad.  

Ang mga nanay ay may karapatan magpa-breastfeed sa kahit anong lugar. Suportado ito ng Expanded Breastfeeding Act at ng Safe Spaces Act, kaya kapag may pambabastos, pwede rin itong i-report. Parating isipin ang kapakanan ninyong mag-ina.

Ang pag-breastfeed ay hindi isang kahihiyan o kabastusan.

Mother breastfeeding her child
UNICEF/UNI161664/Ferguson

6. Paano kapag may pressure na gumamit ng formula milk?

Hindi kailangan gumamit ng formula, powder o bottled milk para kay baby, lalo na sa first six months niya. Sapat na at mas masustanya ang breastmilk kumpara sa formula milk. Ang breastmilk substitutes – kasama din ang am o rice water – ay posibleng may dalang health risks para sa mga sanggol, kaya ito ay binibigay lang kapag lahat ng ibang options ay nasubukan na.

Napakaimportante ng breastfeeding sa unang 1,000 days ni baby, kung saan gatas ng nanay lamang ang ibibigay sa unang six months, at patuloy ang pagpapasuso habang sinisimulan na siyang pakainin ng solid foods hanggang two years old o higit pa. Ang breastfeeding kasi ay nakakaiwas sa malnutrition at child mortality. At para sa mga nanay, less risk magkaroon ng ovarian o breast cancer, high blood pressure at type 2 diabetes. Sa mabuting pagpapa-breastfeed, hindi lang bawas sa sakit para kay baby at mommy, bawas gastos din, at syempre kapag mas masigla, mas kampante ka na healthy na lumalaki ang iyong anak.

Ang breastmilk substitutes – kasama din ang am o rice water – ay posibleng may dalang health risks para sa mga sanggol, kaya ito ay binibigay lang kapag lahat ng ibang options ay nasubukan na.

7. Ang breastfeeding ba ay sakin lang nakasalalay?

Hindi, at huwag iisipin na ikaw ay nag-iisa. Ang breastfeeding ay hindi lang nakapalibot sa nanay at sanggol. Napakaimportante ng iyong buong pamilya sa panahon na ito. Hikayatin ang pamilya na tumulong at sumoporta, whether physically or emotionally. Ang asawa, anak, at pati na sila lolo’t lola, ay makakapagpataas ng kumpyansa ng isang breastfeeding na ina. Pwede nilang gampanan ang gawaing bahay o magbantay kay baby kapag kailangan mo ng break sandali.

Mabuti rin kapag alam nila na hindi kailangan ng dagdag na pagkain o formula milk sa loob ng unang anim na buwan ni baby. Ang gatas ng ina ay walang katulad at mas madali itong na nanamnam ni baby, kaya rin naman madalas itong mag-breastfeed—normally every two hours. Dahil dito, para sa mga kapamilya, ugaliing huwag magsabi ‘Bakit parating gutom si baby?’ o ‘Siguro hindi sapat ang gatas mo.’ Kahit ito ay mula sa pag-aalala, ang mga ganitong pananalita ay maaaring makasira ng loob ng isang ina at makaimpluwensiya sa pagtigil mag-breastfeed.

Ang asawa, anak, at pati na sila lolo’t lola, ay makakapagpataas ng kumpyansa ng isang breastfeeding na ina.

UNICEF Philippines/2022